Nasa FX ako kanina, nakikinig sa radyo na naka play habang nagbbyahe, AM ang Frequency, balita.

“Isang L300 ang naaksidente na may mga pasahero sa loob at may mga malubhang nasugatan,”

Hindi ko na pinakinggan pa, kinabahan ako dahil L300 din ang sasakyan na ginagamit ni papa kasama ang mga tauhan niya para mag trabaho.

Tinext ko si papa dahil hindi ako mapakali, nagiisip na sana hindi siya ‘yon, hindi ko alam kung bakit kasi nung narinig ko yung news bigla akong nagalala sa kanya, tinext ko siya.

“Pa, anong oras ka uuwi?”

Ganyan lang ang text ko, dahil masyado atang madrama kung “Pa, kumusta ka? Ayos ka lang ba?”Ang tagal ng reply niya, pero buti nalang nagreply siya. Nakahinga na ako ng maayos.

Tags: life
  1. pumapaslang posted this